Stephanie Faith, ACW & Star City
Ito na ata ang unang araw ng 2006 na kung saan naging super busy ako! Nagising ako around 3AM, hindi na ako nakatulog from that time onwards. 11AM, umalis ako ng bahay para pumunta sa binyag ng anak ni Faith, officemate ko sa C3. Ang name ng baby ay Stephanie Faith. Mataba ang baby! Late na ako nakarating, kainan na lang ang naabutan ko. Umattend sa binyag sina Ate MeAnn and her long time sweetheart Bong who happens to work at ABS-CBN, si Ate Hope, si Deng and her son JM, at si Marisol, new agent na may crush "raw" sa aken, hahahaha!!!After ng kainan, pumunta kami sandali sa bahay nina Faith to take some rest, tapos umalis na rin kami around 2:30PM. Kasama kong umuwi sina Hope, Deng, JM and Mirasol. Isinama ko muna sila sa bahay, tapos nagpahatid na ako kay JR sa Makati for the CCAP or Contact Center Association of the Philippines Battle Of The Bands. Nakarating kami ni Hope just in time, a band before the performance of our very own ACW. Kasama sa bandang ACW sina Nica, Niko, Hernz, Jiro & Jasper. Ang galing! Nakapasok sila sa final 8 out of 14 contestants. In fairness, magagaling talaga karamihan. Kinanta nila yung "Waiting In Vain" and yung isang song, hindi ko alam. Nakaka-proud naman sila, at least hindi napahiya ang C3 sa kanila considering na sa ABS-CBNi pa nanggaling yung pambato ng company, congrats! By the way, nakipagkita pala kami sa isa sa mga forumer ng Pinoycentral message board. Si "xtine" or Christine. Grabe, sobrang kalog at sobrang tangkad n'ya! Feeling ko, masaya siyang kasama.

After the band fest, pumunta na kami sa pinakapa-plano naming Star City. Kasama sina Janice, Ate Hope, Ivy, Errol, Jam, Red, Eds, Yeoj and Vilma. Ang saya-saya! Una agad naming sinakyan yung Zyclone. Hindi ganoon kabigat ang impact n'ya unlike Space Shuttle ng Enchanted. Nakakaaliw talaga, ang sarap kasama nung mga bagong agents. Walang killjoy and lahat kalog. Natapos ang Star City adventure namin sa Videoke at Bump Car. Kumanta ako ng "Through The Fire" in a husky manner, eh paano naman, super paos na ang voice ko!
Nakakapagod talaga ang araw na ito, kailangan kong itulog.


0 Comments:
Post a Comment
<< Home