Monday, January 09, 2006

12:30 AM Shift For This Week

Good afternoon po sa inyong lahat! Today is Monday. Nagbago na ang schedule ko. Ilang weeks na rin akong napunta sa duty na 1:30AM to 10:30am, ngayon naman, na-adjust yung shift ko. Naging 12:30AM-9:30AM shift. In fairness, malaki ang difference in terms of temperature and volume of calls. Kapag kasi 1:30 ang schedule, medyo dumadami ang calls bandang 9AM so medyo nakakapagod sa last part tapos medyo mainit na rin kapag pauwi. Sobrang daming tawag kanina. Nung umpisa, tatlo lang kaming nakalog-in and then queuing talaga ang technical dahil ang daming "E-16 Service Is Currently Scrambled" dahil sa lintik na migration na yan! Nakakapikon na talaga, super affected na ang forum life ko! Hehehehe... Hindi lang 'yon, nakaka-stress na siya. Mabuti na lang at may vitamins na akong tine-take ngayon, Stresstabs and Poten-C. Gusto kong mag-absent mamaya! Itutuloy ko ba or the next day na lang para diretso off? What do you think? Haaayyy! May kasalanan na naman ako kina Janjay, hindi ko sila sinipot sa birthday ni Jermaine! Eh paano naman, wala na talaga akong pera, I can't wait 'til the pay day! Nangutang na nga lang ako kanina ng 100 pesos kay Mabz para masamahan ko siyang kumain sa KFC. Kawawa naman ako! Huhuhuhu... anyways, humanda kayong lahat sa pay day! "Mga hampas lupa!!!!" Parang line ni Cherie Gil sa Gulong ng Palad which will be premiering tonight after TV Patrol World. Sana maging maganda ang kalabasan ng show na ito.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home