Sunday, January 01, 2006

It's 2006, Happy New Year!!!

Happy new year everyone! It's 2006, year of the dog, my year! Hindi ako nag-new year sa bahay dahil may pasok ako, maaga akong umalis para ma-avoid yung mga nagpapaputok. Around 8PM of the 31st, nasa office agad ako. Wala akong nagawa masyado. Kumain ako ng free food with Monet sa pantry, then nag-yosi kasama sina Azenith, Jeff and Eriz. Around 11PM, lumabas ako ng office kasama sina Sam, Rein and Cedric. Mejo boring ang Eastwood kasi kaunti lang ang tao. Sandali lang kami, mga 10 minutes lang bumalik na rin kami dahil may pasok pa sina Rein at Cedric. Nakasalubong naman namin sina Polly, Reymie and Kruschev on the way, so sumama na rin kami sa kanila. Uminom kami sandali ng beer. Nagsayaw rin kami sa dancefloor sa Eastwood Circle. Masaya ang party in fairness. Nang malapit ng mag-alas dose, pumasok na sina Reymie and Polly, si Sam naman, pumasok na rin sa office para puntahan ang kanyang girlfriend na si Adeth. Kami na lang ni Kruschev, buti na lang, nakita namin sina Errol, DJ and Vilma. Ayun, kami na ang mga nagparty dun, sa unang-una pa kami. Nung nag-countdown na for the new year, may camera ng ABS-CBN ang kumukuha ng video for the news. Saktong new year, nakita kami sa news ng channel 2. Haaay grabe, for the first minute siguro ng 2006, nagkaroon agad ako ng 15-minute fame! Hehehehehe... nung tapos nang magputukan ang fireworks tumugtog na ang Ever After, ang cute ng eksena, sayawan ulit ang mga tao. Ang galing! Pagbalik namin sa office, sinabihan na lang nila kami na nakita raw kami sa TV. Mejo marami pala ang nakapanood ng news, hehehehe! Around 12:30AM ng January 1, 2006... pinag-log in ako dahil sobrang nagku-queue ang technical department namin. Iilan lang kaming naka-duty that time. Sobrang dami talaga ng calls! In fairness, kahit matawag, maaayos naman ang pagko-call handling ko. Hindi agad ako umuwi ng 10:30AM, nag-loiter muna ako, then natulog sa quarters. Nagising ako around 1PM, tapos nag-decide na akong hintayin si Caloi ng 4:30PM. Nagpunta kami ng Shopwise para uminom ng Zagu. Masayang kasama si Caloi, hindi nauubusan ng story. I like her, ang dami n'yang nasi-share sa akin. Masarap siguro siyang maging friend! That's the first day of 2006, nakakapagod, pero masaya! Bye!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home