Wednesday, January 18, 2006

44 Minutes Late Coz Of Narnia


Last night, late ako ng 44 minutes dahil nanood pa ako ng movie with Janjay and Jay-Ar. Nanood kami ng "The Chronicles Of Narnia: The Lion, The Witch and The Wardrobe". Ang ganda ng movie! Nice costumes and special effects. Talagang pambata and young at heart! I really like the battle scene dahil iba't-ibang creature ang present, may mga higante, may mga hayop at may mga half-human, half-animal at kung anu-ano pa. Sulit ang panlilibre ko sa kanila. Bago kami manood, kumain muna kami sa Fazolis. Nakakabusog!

Nang makarating na ako sa office, sa Siberia na lang ako kaagad pumuwesto dahil ayokong makita ako ng mga superior sa main station namin. Kaya lang, nakita pa rin ako ni Veron, they declared na 44 minutes akong late, actually, I consider it as an hour late. I don't care, tinatamad na nga ako eh. Ayoko na! Gusto ko munang magpahinga sa lugar kung saan malayo sa kabihasnan! Hehehehe... This day marks Mabz' 27th birthday. Tumatanda na pala siya, pero mukha pa ring bata!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home